4:48 kahit inaantok eh pinilit kong bumangon upang pagbuksan ng pinto kung sino man yung dumating. (kaso naunahan ako ng nanay ko sa pagbukas.... pinagod ko lang sarili ko...) ewan ko kung
instinct o kung anuman yun, basta alam ko sa loob-loob ko na kuya ko ang dumating. hindi nga ako nagkamali. kuya ko nga yung dumating. naka
-cap ng asul na
quicksilver. naka-
jacket ng asul na
fubu. naka-kulay-abong
t-shirt na may printang kulay pula at asul (hindi ko alam kung ano talaga yung design... medyo inaantok antok pa ako...) at nakapantalon siya ng
quicksilver na six-pocket at
girbaud na sapatos. wala halos siyang ipinagbago maliban sa paglaki ng tiyan niya. (mahilig talagang pumorma ang kuya...)
eto na yung pinaka gusto ko sa lahat... andami niyang inuwing cd ng ps2 ko. mga may labinlimang cd ata yun. (astig... lahat original! paano ayaw kong ipa-
modify hehehe...) sinamahan na rin niya ng tatlo sa pinaka-
recent na electronic gaming (?) na magazine. basta yung magazine ng mga adik sa games...
birthday niya ngayon. wala akong regalo sa kanya pero may pasalubong siya para sa akin. bibili na lang ako ng card mamaya. estudyante pa lang naman ako eh (at nangangatwiran pa...) pero wala lang kasi akong pera na naka-budget para sa regalo.
balik ako sa kwento. eh di pagkatapos kong tignan yung mag acd ay binasa ko na yung mga magasin. at heto na naman po si ritch.... di nanaman namalayan ang oras... 6:05 na naman! (salamat na lang sa kuya dahil binanggit niya yung pagiging late niya noong kolehiyo pa siya...)
huwebes ngayon. ang schedule ko halos kapareha noong martes. parehong oras. parehong first period. parehong klasrum. parehong upuan. parehong suot... (sapatos lang)... eto pinakamasaklap sa araw ng martes at huwebes... parehong teacher... ang author ng lab manual....
balik sa dating gawi... pagmamadali....
swerte lang talaga ngayong araw na ito. agad akong nakakuha ng sasakyan. buenas! hindi rin kasing trapik noong martes. isa lang ibig sabihin nun... ligtas ako sa marathon mula sa justice hall.... heheheh...
titignan ko yung oras para alam ko kung bibilisan o hindi.. pucha, wala yung wristwatch ko.... nakalimutan... akala ko ok na itong araw na ito.... biglang dumagsa sa aking memorya ang aking mga nakalimutan. physics notebook. sts book. batch ring. .... at ang di ko nakalimutang ilagay sa bag ay ang aking discman na may cd ng beatles....
hindi ko alam ang orasa. tantiyahan na lang.... antay ako ng jeep. dumating ang jeep na patungo sa eskwelahan na nagmumukhang pating dahil sa banner ng glbe sa ituktok nito. (banner na ipinako sa kahoy at itinali ang banner sa kung saang parte ng jeep gamit ang alambre...) at ang lahat ng
"big idea" na ito ay kagagawan ng ad congress....
sakay ng jeep...
nakakita ako ng pamilyar na mukha sa loob. mama na nakakalbo at mukhang intsik beho na may dalang
philippine star. inisip ko kung saan ko siya nakita. ginamit ko ang ilang porsyuento ng aking lakas upang alalahanin kung sino siya sa buhay estudyante ko.... katching! (parang cash register...) siya yung laboratory custodian sa perfecto 7th floor... yung walanghiyang custodian na nag-charge sa amin ng kung anu-ano... flasks... test tubes... test tubes... at test tubes pa rin... dalawang semestre akong nagdusa sa kanya....sana binasag ko na lang talga yung mga test tubes, di pa masama ang loob ko!
habang binabaybay namin ang kahabaan ng magsaysay ave, kaliwa't kanan. kanan at kaliwa ang mga banners. (pati mga jeep at taxi meron din!) may malaki. maliit. may litrato. walang litrato. matingkad ang kulay. may parang anemic ang kulay. basta parang fiesta!!!!
dumating ako sa school. dumaan sa tingihan ng papel at kung anu-ano pa. bili ako ng intermediate paper (3-por-wan-piso). solve na ako sa papel para sa quiz ko sa physics at sts. ok....
7:25 (ayon sa wall clock ng eskwelahan). yes!!!! di ako late... naksabay ko ang kasamahan ko sa white and blue hanggang sa may lobby ng silang. punta siya sa white and blue office. ako sa adenauer.
wala nang aral-aral. labanan uli ng stock (stack?) knowledge. nakipagkwentuhan ako sa mga kaklase ko...
biglang tumahimik. pati ako natigilan. tumayo ako (instinct uli? alam ko kasi kapag tumahimik na sila ay may guro na.... galing may cue kapag ang mga buhay namin ay nanganganib na sa pagdating ng mga guro...)
nagdasal kami. umupo. naglabs ng papel, pambura, lapis, calcu at bolpen. tatlong problems tungkol sa vectors... ayos madali lang. sige solve ako sa intermediate pad na binili ko ng 3-por-wan-piso.... pagdating ng ikalawang problem nakita ko sa harap ko... at sa likod ko... at sa kanan ko... coupon bond ang gamit nila.... anak ng.... oo nga pala.... coupon bond kapag physics...
bumulong ako sa tabi para humingi ng coupon bond.... wala raw... tingin sa guro sa harap na nagwawasto ng kung ano... di siya nakatingin... bumwelo... bulong sa likod... wala rin daw... tingin sa teacher... nakatingin... inilabas ko yung plastic na lalagyan ng coupon bond... umaasa na meron kahit isa... wala... tingin uli sa guro... di nakatingin.... bulong sa harap... wala pa rin... sumuko na ako... itinuloy ko ang pag-so-solve sa problems.... nasagot ko yung number three... swak... pero intermediate ang gamit ko... umiinit na ang tenga ko... inilabas ko uli yung lalagyan ng coupon bond. nakakita ako ng scrap paper... malinis ang likod... ok na ito.... lipat ko na...
nag-bell.... tumingin si ma'am sa klase... ipapasa na ang papel... anak ng... wala na akong aras maglipat..... ting! may biglang pumasok sa isip ko nung nakakita ako ng stapler....
hiniram ko yung stapler... kinuha ko yung stapler at inistapler ko yung intermediate sa scrap na bond paper... presto... kasing laki na niya yung coupon bond.... hindi agad mahahalata yung papel ko.... ipinapsa ko na sabay sabi na ilagay nila sa likod....
napangiti na lang ako sa aking sarili.... may deduction kay ako? ayaw ko nang mag-isip... naubos na ang aking isang daang porsyentong lakas... sabi ko sa sarili ko... "that was a big idea?"
sa susunod na quiz at makalimutan ko uli ang magdala ng coupon bond....
ito kaya ang isipin ko....