November 17th, 2003
Si Sir Bulldog
isang oras at kalahati akong mauupo dito sa klase ni sir. Inaantok na ako. Nababagot bago pa man siya magsimula. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang buhayin ang interes ko sa pakikinig sa kanya. siguro dahil madalas siyang wrong grammar. corny kung mag-joke pero nakakatawa ang kanyang pagmumukha pag nagle-lecture.
inihanda ko na ang aking bolpen at scrap paper... drawing class na naman... hindi ko talaga alam kung bakit siya pa ang naging intstructor ko uli... siya na sa pre-req ko ng heca, tapos siya na naman... kapag minamalas ka nga naman...
ayaw ko nang maging maingay sa klase niya. pinahiya na niya kasi ako last sem, kahit wala akong kasalanan sa kanya. kaya mula noon eh kapag nakikita ko siya naaalala ko yung nakakatawa niyang mukha nung pinagagalitan niya ako. sa totoo lang, mukha siyang yung cartoon character na si droopy... hehehe... ayan, droopy na lang itatawag ko sa kanya.
Matapos ang prelim exams eh naging magkaibigan na kami ni sir droopy. sa katunayan nga eh nanghihiram na siya sa akin ng DVD. naging kakwentuhan ko rin siya nuon kapag nagbibigay siya ng break sa tatlong oras niyang klase nang nagdaang sem. ewan ko, pero naging mabait siya sa akin. (siguro dahil humihiram na siya sa akin ng dvd.... hehehehe....)
at kanina sinabihan niya ako na maging prayer leader. naku, ito yung ayaw na ayaw ko. prayer leader na impromptu... eh di dinasal ko ilang parte nung Student's prayer to st. anthony.
"O glorious Saint Anthony, devinely endowed...."
hindi ko na kabisado pero sige, itinuloy ko pa rin. sa una, ok pa. dumating sa gitna- medyo nakakalimutan ko na.
"... a bright intellect, a sound judgement, and a retentive memory."
ayaw ko nang mag-isip. tama na! kaya tinapos ko na ang kalbaryo ko kahit hindi pa dapat.
" this we ask in Jesus name. Amen"
hindi ko alam kung tama yung ginawa ko pero nagawa ko na. wala nang bawian.
tulad nga ng sinabi ni sir bulldog na laging wrong grammar nung tinanong niya kami kung anu-ano ang mga ideya namin ukol sa kanyang dinidiscuss....
"ok class, why do you think?"

Posted by raging_ritch at 05:47 PM as a favorite post | 6 talked back
jane (guest)

arrgghh (guest)
fallen_angel

raging_ritch

orange17

hehehe......:)
raging_ritch