November 30th, 2004

paalam at pasko

kahapon akala ko magiging masaya ang buong araw... kasi walang pasok at kung anu-ano pa...

mga alas 2:30 ng hapon ng mag-aya ako ng isang kaibigan para mag-stroll sa session road at sm... matagal ko na kasing hindi nagagawa iyon...

nagreply siya... sorry hindi ako makakalabas... basta kita na lang tayo ng six para sa bunutan natin...

nag-makaawa ako sa text... please ako ng please... hindi umubra... pero ang mas kagulat-gulat na balita ay yung tinext niya...

"hindi ako pwede kasi pupunta ako sa hospital... critical na kasi yung lola niya..."

anak ng... para akong pinagsakluban ng langit at lupa... hindi ko inakala na ganun ang sitwaston niya... at talagang ikinagulat ko ang balita... parang tambol na ang aking puso... hindi... close ako kay lola... mahigit 7 taon na kaming naging close... hindi ko siya ka-ano-ano pero masakit ang dating ng balita... nawalan ako ng gana na mag-stroll tinanong ko kung saan siya nakaconfine... sabi niya sa bgh daw...

malas...umulan na... sige nagpunta ko kina jie... wala na siya... nagtaxi na ako papuntang bgh... sa r306 sa anex... habang papunta na ako doon ang iniisip ko ay medyo makakausap ko pa siya ng matino... gusto ko nang makita yung lola ng bestfriend ko... kasi siya yung nag-aasikaso sa akin kapag andun ako... para ko na rin siyang lola...

akyat ako... r306... marahan kong kinatok ang pinto... binuksan... nakita ko si marvin at si kenneth na nag-nenebulize sa kanya... sa nakita ko hindi ko nakayang magsalita... andun na yung mga tita ni marvin at mga pamangkin niya... pati si jie...

nang magising siya... gusto kong kamustahin siya at kwentuhan... kaso wala akong masabi kundi
"lola, si ritcher po ito..." ngumiti siya...

lola, nilalamig ba kayo? at sumagot siya ng oo... tapos sabi ni marvin sabi daw ni lola... "pagod na pagod na ako"

hindi ko alam kung paano ko mag-rereact... hinawakan ko na lang yung nanginginig na kamay ni lola... hindi ako nagsalita... inisip ko na sana naririnig niya ang nasa isip ko....

hindi ko maikakaila na wala na talagang pag-asa... lalong masakit nung umiyak si marvin...

alam ko kung ano ang pakiramdam ng malapit nang mawalan... masakit... mahirap tanggapin... sa mahigit na 7 taon... nakakilala ako ng isang mabait na lola... mamimiss ko un...

"saan man ho kayo pumunta... salamat po sa lahat..."


biglang sumagi sa isip ko ang katagang ito...

"i am not going to die... i am going to live... it is not just as long as yours..."

* habang sinusulat ko ito... pilit kong nilalabanan ang pagluha... kasi para sa akin ang pagluha para sa isang taong malapit nang pumanaw ay tanda ng isang pagkukulang... pagkukulang na hindi na kayang magpunan...


++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

ilang linggo bago magpasko... naisipan naming magbabarkada na gumawa ng xmas party... sa 19 ito gaganapin... sa bahay namin... natoka akong magluluto ng carbonara...

nagbunutan na kami kahapon... at naku naman... itong nabunot ko eh napakadaling regaluhan... alam ko na kung ano ang mga hilig niya... siguro dahil sa tinagal-tagal ng aming barkada eh magkakakilala na kami ng lubusan...

sa 19... ito ang aming menu:

carbonara... hamburger... baked mac... ice cream... lechon manok... adobo at ewan ko kung ano angdadalhin nung iba...

basta ang inumin... TEQUILA!!!!

*ritch sings* malamig ang simoy ng hangin...
Currently listening to: don't fade away
Currently feeling: anticipatory grieving
Posted by raging_ritch at 05:24 PM | 1 talked back
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on November 30th, 2004 at 05:38 PM
I'm sorry to hear about the condition of your bestfriend's lola... coincidence na naman kc khaon ittxt sana kita about dun sa younger brother ng bestfriend ko... nasa ICU, critical rin ang condition... he's in coma ata, ntatakot nga ako.. :-(

wow carbonara, gusto ko yan!