Entries for January, 2005

January 2nd, 2005

bakit gusto ko ng new year's resolution...

ang ikinaganda ng bagong taon ay isang panibagong panimula.... panimula kung saan masaya ang gumawa ng new year's resolution.... kahit na alam kong tatagal lamang ito ng ilang buwan...
Posted by raging_ritch at 04:34 PM | think out loud!

January 9th, 2005

panandaliang pananahimik...

sa mga susunod na araw di po muna ako magagawi dito... ako po muna ay may aasikasuhin... pag-aaral... duty... at ang nalalapit na drama festivals...

kaya mula ngayon...





wala muna akong masasabi...
Posted by raging_ritch at 07:09 PM | think out loud!

January 14th, 2005

pag-ibig na muling nagbabalik?

sa gitna ng aking pagiging abala sa maraming bagay, hindi ko inaasahan na darating yung punto na ang isusulat ko dito sa tabulas ay tungkol sa aking buhay-pag-ibig... ang akala ko mapupuno ko ang tabulas sa mga kwento ko ukol sa aking pag-aaral, kwento sa drama club, kwento tungkol sa aking buhay... liban sa paksang pag-ibig... hindi ko na kasi gusto sanang magsulat dito... kaso dito ako nag-umpisang sumulat ukol sa isang talang nakita ko... at patuloy kong tinitingala sa pagsapit ng dilim at pagliwanag ng langit na kinumutan ng mumunting mga liwanag...

sana sa susunod kong pagsulat ng ukol sa iyo, ang ikwekwento ko na ay kung paano na "tayo"...

***

noong una tayong nagkita, ginagamot mo ang iyong sugatang puso...

ngayong tayo ay muling nagkita, ginagamot mong muli ang iyong puso...

at lahat ng ito ay dahil sa kanya...

noong tayo ay unang nagkita, nasa huling bahagi na ako ng paglimot sa aking nagdaang pag-ibig at handa nang muling umibig... habang ikaw ay nag-uumpisa pa lamang lumimot...

hindi ako naglakas ng loob na gumawa ng kahit anong paraan upang ipaalam noon sa iyo... natutuwa na ako sa mga asaran... sa akin, kunwari'y totoo... ayaw ko kasing isipin mo na sinasamantala ko ang iyong "vulnerability"... lalo pa at magkaibigan tayo...

kahit na gustong-gusto ko nang umamin... tinikom ko ang aking bibig, sapagkat kapag tayo ay nag-uusap, ilang beses mong binabanggit ang pangalan niya... masakit pero hindi ko kayang labanan ang "first love"...

kaya naman idinadaan ko na lang sa aking pagsulat ang aking nararamdam... hindi ko kayang sabihin... ako ay nauubusan ng hininga at lakas ng loob...

nag-aantay ako noon ng tamang panahon... at ngayon ko lang napagtanto na andami ko nang nasulat tungkol sa iyo at para sa iyo...

ang una kong likha ay noong december 2003... ay yung tungkol i found a star... mahigit isang taon na yaon... pero hanggang ngayon parang walang nagbago... pero hindi ko itinatangging maraming nangyari sa loob ng panahong iyon... kaya naman ang aking huling naging akda ukol sa iyo ay

siguro takot lang akong mag-isa kaya ako pilit na naghahanap... kaya siguro tama yung sabi nila na kundi ukol, hindi bubukol... sa dinadami ng aking niligawan sa loob ng 2004... ang akala ko, makakahanap ako... sa una lang pala iyon...

ngunit bakit ngayon... ilang linggo pa lang tayo nagsasama, napukaw mong muli ang aking damdamin...
sabi nga sa akin, bagay kayo, bakit hindi na lang kayo... natatawa na lang ako... pero sa isip isip ko, SANA TOTOO... sana totoo...

hindi ko na gustong malaman kung ano ang nangyari sa inyo... ayoko nang alamin...

sana kapag handa ka ng muling sumugal... sana ako ang nandun para ako rin ay makataya... malay ko ba kung manalo ako...

Currently listening to: billy crawford's WHY
Posted by raging_ritch at 09:25 AM | 4 talked back

January 17th, 2005

no skeds, no limits, just felt like doing it

sabi ko sa sarili ko, hindi ko naranasan ang mag-enjoy sa aking ginagawa... so saturday evening, we decided that we will have an overnight... overnight kasi gusto magkakilanlan kaming lahat...

sa loob ng mahigit 24 oras na magkasama kaming grupo, nakilala ko sila at nakilala rin nila ako... masaya ako kasi naibabahagi namin ang aming sarili sa isa't isa...

una, naglaro kami ng "i never"... yung bukingan blues namin... noong una masaya... kasi nilalaglag mo ang sarili mo... binubuko mo ang sarili mo... walang halong kasinungalingan...

natulog kaming magkakatabi... ang ginaw kina gian... sobra... nyehehehe....

tapos yung iba wala nang tulugan... nyahahahaha... wala lang... masaya lang talaga ako...

tapos... buong umaga kaming humilata sa kama ni gian... nagkwentuhan, nagaguhan at kung anu-ano pa...

ang alas onseng paghuli ng paruparo ay naging ala-una... naging alas dos... hanggang sa finally umalis kami ng alas tres... whahahahaha...

dumating kami sa burnham park... hehehehe... wala nang paru-paro... naisipan na lang namin na magboating... nagboating out of the blue... wahahahaha... talagang ang saya... hehehehehe....

akala pagkatapos noon ay maghihiwalay-hiwalay na... pero ang laking tuwa ko noong may sumama pa sa akin na magpaprint ng aming mga pictures...

tapos... nasalubong namin si erwie, tapos naglaro sa quantum tapos nagbalconaje... tapos... nagkaroon ng kaunting inom ng kape at san mig light...

tapos trip lang uli... nagkayayaan maginuman... sa bahay namin... tapos bonding uli... ganung tipo.. tapos yun pagpunta ng bahay, nag-review sila ng fhm collection ko... sabi ko magpapaquiz nga ako.... hehehehe...

tapos yun, inuman na.. simula sa bakit kayo nag nursing? tapos sabay ikot ng tagay...

ang pinakamasaya yung noong love life na... nalaman namin ang ugali ng bawat isa sa amin... may mga pasimple... may mga bulgar... may mga palihim... may mga umasa... may nasaktan... may iniwan... may nangiwan... may fling lang... at may seryoso...

naging maingay kami... nakaubos nga kami ng isang long neck at isang blue gin...

umaga na uli kami nakatulog... ako mas nauna... sila mas huli...

masaya ako paggising ko kasi nakilala ko sila more than i bargained for...

salamat sa tingge..




Posted by raging_ritch at 02:35 PM as a favorite post | think out loud!

sino ang malabo, babae o lalaki?

yan ang isa sa mga issues sa inuman kagabi...

sina ang tama? babae o lalaki? sino ang malabo sa kanila?

nag-umpisa ito sa sinulat ko sa aking advertisement...
"i can't read your mind... so i ask for your opinion..."

ang usapan eh magulo ang babae... kasi ito yung example situation ko...

kapag lalaki nag-aya ng date, magtatanong yan... "san tayo kakain?"

sagot ni babae: "ikaw ang bahala... o kaya kahit saan..."

sagot ni lalaki: " sige sa (kunwari) Mcdo na lang..."

sagot ni babae: "sige na nga... tara na... (medyo galit ang tono, iritado ba.. sabay simangot)

so ang point ko... kaya kami nagtatanong kasi gusto namin malaman... we can't read your mind nga eh... gusto namin straight answer...

may kumontra... sabi niya.. kasi naman kapag nag-aya na kayo, dapat may plano na kayo...

sagot ko naman: kapag nakiki[agdate kami, pinaghahandaan namin yan... hindi bara bara... may options kami... kaya nga tinatanong kayo kasi gusto namin i-please kayo...

may kumontra uli... eh kasi kuya kapag sinabi namin yung place na gusto namin, syempre yung mahal.,.. eh malay ba namin kung kakayanin ng budget niyo...

sagot ko uli: kapag nakikipagdate kami.... pinaghahandaan yan... pinag-iipunan...

sa bandang huli... umamin din yung mga babae na ganoon nga sila... at kung minsan nga ay pati sila hindi maintindihan kung bakit magulo at malabo sila...

well.... so sa argument na yun... nanalo ako... harharhar... ang saya...
Posted by raging_ritch at 05:48 PM | 4 talked back

January 21st, 2005

kakaibang panalo...

Kahapon ay isa sa mga araw na hindi ko malilimutan. sa katunayan, ito ay ibig kong balik-balikan. hindi man kami nagtagumpay sa dramafest, naniniwala ako na ito ay isang karanasan ako at kasama ng aking mga kaibigan ay nanalo sa ibang larangan...

alam ko na hindi ako ang pinakamagaling na manunulat o direktor pero alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkulang sa pagbuhos ng aking kakaunting nalalaman.. ibinuhos ko na lahat ngunit sa kasamaang palad, hanggan doon na lamang ang aking kakayanan...

ang ipinagpapasalamat ko ay nakatagpo ako ng mga tunay na kaibigan. tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sa isang samahan. sa maikling pagkakataon na ipinagkaloob sa amin upang magkasama-sama, nakilala nila ako at nakilala ko rin sila. marami silang itinuro sa akin... at ako ay lubos na nagpapasalamat... sila ang pamilya ko sa TEAM TINGGE

TUNAY NA KAIBIGAN, WALANG IWANAN!!!

Maraming Salamat!!! sa Uulitin...

Sa mga nagsipagganap: Perjohn Gomez (Kali), Jessie Cabillan (Amun), Marie Kris Victoria Malubag (inanna), Jade Angeli Lansangan (Ki), Joseph Gragasin (Kuan-ti), Gianne Edoliestone Janiola (Frigga), Hadjrima Caoli (Freya), Ara Junne Cortez (Carridwen), Aaron Gonzalvo (Bastet), Dax Puckett (Lei-Kun)

Sa mga CREW!!!!
Irene Tumaliwan, Ivy Banotan, Crystar Tuvera, Steven Luspian, Hector Sibayan, Leslie Sison, Ryan Manzano, Louise Gamboa, Erwie Solito, Marie Joy Casem, Dondrey Calon, Rowena Corpuz, Jennifer WInter

Sa mga produkto ni kuya TYRONE DOMINGO na tuladc ko: Regina Cecilio at Reyson...

at higit sa lahat: SIR JEREMI_JOHN PIAMONTE, ang aming adviser

para sa karagdagang larawan... bisitahin ang team tingge 2005...



[img:519227]
[img:519226]
Posted by raging_ritch at 05:54 PM as a favorite post | 1 talked back

January 22nd, 2005

HINAGPIS NI KAMATAYAN

ito po ang aming entry sa 2005 dramafest ng slu... ang inyong mababasa at ang mga disenyo ng mga tauhan ay pag-aari ng team tingge

MGA TAUHAN:

[img:519898]
Amun—ang diyos na nagmamay-ari sa Calliecho

[img:519900]
Inanna—ang ada ng pag-ibig, butihing kabiyak ni Amun

[img:519899]
Kali—ang harawati ng kamatayan, anak nina Amun at Inanna

[img:519931]
Lei-Kun—ang tagapag-gahmut

[img:519902]
Freya—and ada na may angking karunungan

[img:519901]
Ki—ada na tagapangasiwa ng Calliecho

[img:519932]
Kuan-ti—mandirigmang nasawi sa pakikipaglaban

[img:519928]
Bastet—mandirigmang nasawi sa pakikipaglaban

[img:519929]
Carridwen—adang nagdadalamhati

[img:519930]
Frigga—adang nagdadalamhati

Mga Engkanto

UNANG TAGPO: Alaala

[Magbubukas ang ilaw sa buong entablado]

[Papasok ang isang lalaking may katandaan mula sa kaliwa, palinga-linga saka maglalakad-lakad]

Lalaki: Ayon sa kwento ng mga matatanda, ilang daang libong taon na ang nakararaan, bago pa dumating ang mga tao, dalawang daigdig daw ang kinikilala. Ang Ita-as, tirahan ng mga diyos at kanilang mga angkan. Ang Iba-ba, na tirahan ng mga ada at mga kauri niya. Pinaniniwalaan na ang mga kagubatan ang siyang naging tirahan ng mga ada. Ang mga diyos noon ang siyang nagpapalakad at namumuno sa mga taga-Iba-ba. Sila ang mga makapangyarihan at nabubuhay ng walang hanggan. Samantala, ang mga ada noon ay tulad ng mga mortal ngayon. Ang natatanging pinagkaiba ng mga ada at mga mortal ay ang ilan sa mga ito ay binigyan ng mga diyos ng mumunting kapangyarihan.
Sa daigdig ng Calliecho, nabuhay ang isang natatanging nilalang na walang katulad. Sabi ng iba siya raw ang sumpa. Sa iba nama’y isang biyaya. Siya ay isang Harawati kung tawagin, hindi ganap na diyos at di ganap na kalahi ng mga ada. Ngunit siya noon ay kinatatakutan at lubhang makapangyarihan.

[Mamamatay ang ilaw]

IKALAWANG TAGPO: Ang Pagtatalaga

[Pagbalik ng ilaw, maiilawan si Kali at bahagya kina Amun at Inanna]

[Naglalakad-lakad si Kali, animo’y tuwang-tuwa]

Kali: Inanna, kay ganda pala dito sa Calliecho. Ibang-iba mula sa aking napapanood sa Ita-as.

[Sumusunod sina Inanna at Amun, pinagmamasdan ang anak]

[Ang ilaw ay maitutuon kina Amun]

Amun: Tignan mo ang ating Kali, nagmana sa kanyang Inanna. May pagmamahal sa kanyang Calliecho.
Inanna: Alam ko… (malulungkot at lalayo kay Amun) Ngunit alam nating pareho na mas nananaig ang katigasan ng kanyang puso na nakuha niya sa mga katulad niyo Amun.
Amun: Naihanda na siya noon pa man. Napapanood niya ang lahat ng nangyayari rito sa Iba-ba, lalo na sa iyong banyang Calliecho. Alam na niya ang kanyang tungkulin at ang pasikut-sikot dito. Kilala na niya ang lahat ng mga nila-lang dito.
Inanna: Ngunit ang mga nila-lang dito, alam ba nila ang tungkol sa Harawati? Hindi, Amun. Wala silang kamalay-malay. Sa hinaba-haba ng panahon, ngayon mo lamang ito gagawin. Bakit? Bakit sa aking mga ka-uri?
Amun: Kaya nga natin ito gagawin upang mapanatiling buhay ang iyong anak sa panghabang panahon. Lahat ng bagay ay may kabayaran Inanna. At lahat ay aking gagawin bilang isang diyos. Alam mo naman ang ukol sa mga Harawati, isang kaparusahan dahil sa ipinagbabawal na pagtitinginan.
Inanna: Huwag mo nang ipaalala. Alam ko. Ang buhay ng Harawati ay isang sumpa na hindi magagahmut ng kahit na sinong nasa inyong angkan.

Ki: Inanna!

[Amun at Inanna ay lilingon at hahanapin ang pinaggagalingan ng tinig]

Amun: Sino yan?

[Lalabas mula sa pinag-tataguan si Ki.]

Ki: Inanna. Amun. (Magbibigay galang)
Amun: Ki? Ki, ang adang naatasan mangasiwa sa Calliecho?
Inanna: Ki. Antagal nating hindi nakapagkita. (lilingon kay Amun) Maari mo ba kaming iwanan ng iilang saglit, Amun?

[hindi sasagot si Amun bagkus susundan na nito si Kali. Ang ilaw ay matutuon kay Kali]

Kali: Handa na ako Amun.
Amun: Alam ko Kali subalit hindi pa handa ang mga nila-lang rito sa iyong pagdating. Hindi pa nila alam na ikaw ay…

[Magpapalit ilaw, matutuon ang ilaw kay Ki at Inanna]

Ki: Maiiwan dito si Kali?! Sa anong kadahilanan?
Inanna: Dahil ang misyon niya ay dito sa Calliecho. Kailangan niyang mabuhay ng panghabang-buhay.
Ki: Ang Harawating Kali ay may misyon dito sa Iba-ba? Sa Calliecho?
Inanna: Sapagkat siya ang naitakdang sumundo sa mga…

[Magpapalit ng ilaw, matutuon ang ilaw kay Kali at Amun]

Amun: Patay ang bubuhay sa iyo Kali, alam mo yan. Para mabuhay ang iyong Inanna ng panghabang buhay, kailangan niya ng pag-ibig na pupuno sa kanyang sisidlan. At sa iyong lagay, dapat laging puno ng kaluluwa ang iyong tungkod ng mga kaluluwa.
Kali: Ngunit Amun, wala pang namamatay mula noon. Paano mangyayari yun?
Amun: Bukas, ang iyong kaarawang pang-tatlong daan. Sa araw na iyon, doon mag-uumpisa ang katapusan ng mga taga-Iba-ba. Dahil ang Harawati ay isisilang lamang minsan. Hindi na maaring muling umibig ang mga Diyos sa ibang lahi kung hindi lahat ng aming angkan ay maglalaho. Yan ang tadhana. Hindi maaring baliin maski naming mga diyos.

[lalapit na sina Inanna at Ki]

Inanna: Kali, naihabilin na kita kay Ki... Siya na ang bahala sa iyo.
Ki: Halika na Kali. Marami ka pang pag-hahandang dapat gawin para sa iyong unang araw. Ika’y magpaalam na.
Kali: Amun… Inanna…

[lalabas sa Kanan si Kali at si Ki]
[lalabas sa kaliwa si Amun at Inanna]
[Magdidilim sa entablado]

IKATLONG TAGPO: Hiling na hindi Mapagbibigyan

[Magbabalik ang ilaw sa buong entablado]

Ki: Ito ang itinalaga ng iyong Amun na siyang iyong magiging tahanan. Dito ka maninirahan. Dito rin ay maririnig mo ang lahat. Dahil ikaw ay anak ni Amun, pati ang mga dasal nila sa kanya ay iyong maririnig lalo na kung ito ay naayon sa iyong misyon dito sa Calliecho.
Kali: Salamat Ki… Ikaw ay maari nang umalis at ibig ko nang magpahinga dahil bukas ay ang araw na babago sa buhay ng mga taga-Calliecho.
Ki: Paalam Harawating Kali. (Magbibigay galang)

[Lalabas sa kaliwa si Ki, magdidilim]

[Magbabalik ang ilaw at makikita sa entablado ang mga ada at engkantong nagluluksa]

Carridwen: (umiiyak habang niyayakap ang asawa) O Amun, pagalingin mo si Kuan-ti. Parang awa mo na… Ako ay nagsusumamo. Huwag mo siyang itulad sa mga ibinigay mo kay Harawating Kali. Huwag mong hayaan na tangayin din niya ang aking Kuan-ti. Ipanapangako kong palagian na akong mag-aalay at magpapuri sa iyo. Huwag lang si Kuan-ti.
Frigga: (Umiiyak ngunit may poot sa kanyang dibdib) Amun, tignan mo ang ginawa mo sa amin. Ilan pa ba sa aking angkan ang kailangan magbuwis ng buhay para sa Harawating iyan. Alam kong pinanonood mo kami ngayon diyan sa Ita-as. Mahabag ka sa aming mga nagluluksa. Hindi kita mapapatawad kapag pati ang aking minamahal na Bastet ay iyong kukunin. Lahat na lamang ay sa inyo paano naman kami dito sa Iba-ba?
Ki: (lalapit na kay Carridwen) Narinig ko ang balita. Ako ay nakikiramay. Hanga ako sa kadakilaan ni Kuan-ti. Ngunit pakaisipin natin na tayo ay humiram lamang ng buhay kay Amun. Siya ang nagbigay ngunit tadhana ang naniningil.
Cerridwen: Sal-a-mat Ki. Wala ka na bang magagawa upang pigilin ang iyong Harawati?
Ki: Yan ay di ko na saklaw. Ako ay tagapangasiwa lamang ng Calliecho. Sana ay kay Lei-Kun kayo lumapit, baka siya ay may magawa. Siya ang tagapag-gahmut.
Frigga: Ano ang magagawa ang ng isang hamak na tagapag-gahmut? Hindi ganap ang kanyang dunong at kakayahan. Hindi siya diyos, Ki. Hindi.
Ki: Hindi man siya Diyos, marahil ay mapapahaba niya ang kanyang buhay. (mapapatingin siya sa paligid) Dapat niyo nang ihanda ang inyong sarili dahil paparating na ang Harawati. Paparating na siya.
Cerridwen: Hindi. Kakausapin ko siya, sasa—
Kali: Hindi na kailangan. Narinig ko ang lahat. Nalulungkot man ako ngunit hindi ko maaring pagbigyan ang iyong hiling.Dumating na ang araw para kina Kuan-ti at Bastet… (Itataas ang kamay) Bangon Kuan-ti.. at doon ika’y hinihintay….

[Carridwen ay hahagulgol, yayakapin ng mahigpit si Kuan-ti]
[Kuanti ay babangon at lalapit kay Kali]

Frigga: [Puno ng galit at takot] Harawati… Hu---
Kali: Halika ka na Bastet… (Itataas ang muli ang kamay)

[Sa pagbangon ni Bastet ay aakapin sana siya ni Frigga ngunit hindi na nito mayakap]
[Lalabas sina Kali, Bastet at Kuanti sa Kanan at maiiwan ang mga nagluluksang ada]
[Mamamatay ang ilaw]

IKAAPAT NA TAGPO: Ang Pag-iwas kay Harawati

[Magbabalik ang ilaw makikitang may kung anong inihahanda sina Ki at Lei-kun]

Ki: Tama na, Lei-Kun. Sobra na. Hindi ko maatim na pinapanood ang pagtangay ni Harawati sa mga kaluluwa. Maari ba natin itong pigilan? Habang may nakukuha siyang buhay ay lalo siyang lumalakas at mas nagiging katakot-takot.
Lei-Kun: Alam ko yan. Ako man ay natatakot para sa aking sarili at sa aking angkan. Ngunit hindi sapat ang aking kakayahan at dunong upang malabanan natin ang Harawati. Kailangan ko ang tulong ng ada ng Karunungan. Siya ang makakatulong sa atin Ki.
Ki: Kaya nga siya ang aking ipinatawag sa aking mga utusan. Marahil sila ay patungo na rito. Sana ay magtagumpay tayo sa labang ito.
Lei-Kun: hindi kaya magalit si Amun at si Inanna sa iyo? Sa iyo ipinagkatiwala ang kanilang Harawati, hindi ba?
Ki: Andun na ako… nakakataas sila sa akin ngunit mas nananaig ang aking pagmamahal sa aking banyang at sa ating mga kauri. Hindi maaring manatili tayong ganito habang buhay.
Lei-Kun: Sana ay alam mo ang iyong ginagawa.

[papasok ang isang engkanto mula sa kaliwa]

unang engkanto: ANDYAN NA SI ANG ADA NG KARUNUNGAN!

[titigil sa paggawa si Lei-kun at sasalubungin ang ada]

Freya: Ano ba itong napakahalagang bagay at ako pa ay iyong ipinasadya Ki? Lei-kun? Ako ay may katandaan na. Hindi na ako ganoong makapaglakad ng malayuan. Buti na lamang at andito ang inyong mensahero at ako ay kaniyang binuhat. (lilingon, kakaway.) Salamat, napakabuti mo.
Ki: Kaya ko kayo ipinatawag ay dahil sa kayo ang nakakaalam kung paano gawin ang mga gahmut na ito. Lagi kasing may mali sa aming inihahanda.
Lei-Kun: Tama si Ki, Freya. Hindi ko maayos ang aking mga gahmut. Kaya hindi namin ito mapakinabangan.
Freya: Kayo ay hindi makagawa ng tama dahil laging kulang ang inyong sukat. At higit sa lahat, hindi niyo inuusal ang dasal kay Amun at Inanna. Hindi rin ninyo ito pinakukuluan at pinalalamigan. Kaya sadyang hindi niyo magawa. Sa bawat gahmut na inyong gagawin, pakaiisipin ninyo kung ano ang inyong lulutasin para humaba ang buhay ng inyong kaangkan.
Lei-kun: Ganuon lamang iyon?
Ki: Ganoon kapayak?
Freya: Ganoon na nga. Marami pa kayong hindi alam tungkol sa Calliecho. Marami pa kayong dapat malaman.
Lei-Kun: Tulad ng ano Freya?
Freya: Tulad na lamang nga malamig na dampi na hangin. Maganda ito para sa atin, nakakapagdagdag ito sa ating buhay. At ang sinag ng araw ay nagbibigay lakas sa atin at sa iba pang nilalang. Sadyang ginawang payak nina Amun ang mga bagay na ito para hindi natin ito mabigyan pansin.
Ki: Siya nga?
Lei-kun: Tumahimik ka nga muna at ako’y nakikinig kay Freya. (titingnan si Freya) Paumanhin, iyo nang ipagpatuloy.
Freya: Ang Calliecho ay maraming natatagong yaman. Mula sa himpapawid, sa tubig, sa lupa at sa kagubatan ay punumpuno ng yaman. Yan ang mga dapat ninyong gamitin para humaba ang inyong buhay.

[engkanto ang papasok, may kasamang ada na animo’y may sakit at babawian na ng buhay]

ikalawang engkanto: Tulungan niyo kami. Gawan ninyo ng kahit na anong paraan para mabuhay ang adang ito. Paparating na ang Harawati, aagawin na niya ang mahal ko.
Freya: Ihiga mo siya. (lumingon kay Lei-Kun) Iabot mo sa akin ang sisidlang iyan.

[Iaabot ni Ki kay Lei-kun at siya ang mag-aabot kay Freya]

Freya: (Hihingahan ang sisidlan at saka dadasalan) Amun Amin, san itaas manka. Dingeg mun amin usal. Biay sa kon ada buway. (ipapainom)

[Papasok si Harawati, magugulat]

Kali: FREYA! Ano ang iyong ginagawa? Iwan mo na siya at akin na siyang sinusundo. (Itataas ang Kamay)

[matatahimik lamang sila]
[Aangat ang katawan niya ngunit ito rin ay babagsak]
[hihinga ang ada. Titignan ang mga nasa paligid]

ikalawang engkanto: O aking ilog, buhay ka!!

Lei-kun at Ki: Tagumpay tayo!

[Ang ilaw ay tututok kay Kali, mamatay ang sa mga nagbubunyi]

Kali: Hindi… (pabulong) HINDEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!! BABALIKAN KO KAYO!!!!!!!!!!! NILINLANG MO AKO KI!!!!

[tatakbo sila Kali paalis]

[Mamatay ang ilaw]


IKALIMANG TAGPO: Paghingi ng Saklolo

[Magababalik ang Ilaw sa buong entablado]

[Makikita si Kali na pagod at nakahalupasay sa lupa]

Kali: (unti-unting babangon) Inanna… Inanna… Inanna… Dinggin mo ang pagsamo ng iyong Kali. Ibig ko kayong makausap ni Amun. Hindi ko maintindihan. Hindi maarok ng aking kadunung-dunungan kung paanong ilang taon na ang lumilipas ngunit wala pa ring nawawalan ng buhay. Bakit ganuon? Amun…. Ano ang dapat kong gawin? Kayo na lang ang tanging makasasagot sa aking mga katanungan.

[Manggagaling sa likod, animo’y lumulutang]

Inanna: Kali, huwag ka nang malumbay. Andito na ang iyong Inanna. Susubukan kong gahmutin ang iyong hapong damdamin. Halika.

Kali: Inanna…

Inanna: Ako nga Kali… Ako nga…

[Pupunta si Inanna sa kinahihigaan ni Kali]

Kali: Inanna… Ang Amun?

Inanna: Nasa Atin. Ayaw niyang bumaba rito sa Calliecho sapagkat wala siyang magawa. Tahan na. Andito na ang Inanna… Ikaw ay mamahinga muna.

Kali: Ang mga taga-Iba-ba ay hindi na takot sa akin, Inanna, bagkus hinahamon na nila ako. Wala na daw akong kakayahan na kumuha ng kaluluwa nila. Inanna, ako ay kanila nang pinagkakatuwaan. Inanna, pagod na ako.

Inanna: Huwag kang sumuko anak sapagkat ang lahat ng bagay dito sa Iba-ba ay sadyang nilikha na may hangganan at wakas---

Kali: Tulad ko. May hangganan din at wakas ang aking kapangyarihan…Napapagod na din ako Inanna.

Inanna: Huwag kang mangusap ng ganyan. Malalagpasan mo din ito. Ipagpaumanhin mo na lamang anak at hindi ka masamahan ni Inanna. Kailangan ko ding bumalik agad sa Ita-as sapagkat ako ay may tungkulin na pagsilbihan ang iyong Amun. Lilipas din ito Kali…. Lilipas din ito….

[Mamamatay ang ilaw]

IKA-ANIM NA TAGPO: Pamamaalam ng Harawati

[Pagbalik ng ilaw, may iilawang mga Ada… Si Frigga, Cerridwen, at Ki]

Ki: Alam mo, balita ko, wala na daw ginagawa si Kali ngayon. Umuupo na lang daw siya sa kanyang trono sa kanyang munti lungga.
Frigga: Oo nga, balita na yan sa buong Iba-ba. Tignan mo nga naman ano, ang dating kinatatakutan at makapangyarihan ay ngayo’y nag-iisa at tumatanda na. Nararapat lang sa kaniya iyon. Hindi ko makaklimutan ang pagkuha niya kay Bastet sa akin.
Cerridwen:Nakakaawa na siya. Sabi nga ng mga nakakita sa kanya noong nakaraang taon ay yung tungkod daw niya ay tahimik na lang daw niyang kinakalong. Wala na daw itong silbi. Katulad niya. Sino kaya ang susundo sa kaniya?
Ki: Tama na. Baka marinig tayo sa Ita-as at biglang magpadala ng delubyo dito sa Calliecho. Tara na nga, magsiuwi na tayo sa ating mga ka-angkan.
Cerridwen: Siguro nga, yan ang pinakamagandang ating dapat gawin.
Frigga: Uwi na tayo. Wala namang halaga ang ating pinag-uusapan.

[Kaniya-kaniyang labas ang tatlo. Lahat sa Kaliwa ngunit iba’t ibang bahagi]

[Iilaw ang buong entablado, makikita si Kali sa kanyang trono at kalung-kalong ang kanyang baston]

Amun: Kali, tinutulugan mo na naman ba ang iyong katungkulan?

[Ibubukas ni Kali ang kanyang isang mata]

Kali: Amun, anong katungkulan? Nakikita mo ba? Wala na akong gagawin?

Amun: Walang saysay ang iyong sinasambit!

[Ibubukas ni Kali ang dalawang mata]

Kali: Ako ay malapit nang pumanaw, Amun. Alam mo yan.

Amun: Alam ko. Ngunit binalaan kita noon, dapat laging may lamang kaluluwa ang iyong baston. Hindi ba?

[Hahawakan niya ang kanyang tungkod ng mahigpit. Dahan-dahan itong tatayo. Nangingig na siya sa pagkakatayo. Halata na ang kulubot sa kanyang mukha.]

Kali: Paano naganap ang lahat ng ito?

Amun: “Kusang Loob”. (lalapit ng kaunti kay Kali) Binigayan ko ang mga nilalang dito ng Karunungan. Binigyan ko sila ng layang makapamili at pinili nilang labanan tayo.

Kali: Mga Walang utang na loob!

Amun: Hindi naman siguro gayun…

Kali: Bakit hindi Amun? Sa Karunungan at sa Kakayahang mamili ng buong laya, sila ang panalo. Wala na akong lakas. Hindi ko na kayang kumuha ng kaluluwa. Mamamatay na ako, Amun. Mamamatay na ako….

Amun: Nauunawaan ko. Masisi mo ba sila. Mas kinatatakutan ka nila kaysa akin Kali. Ang kanilang panaginip ay ukol sa akin at sa iyong Inanna. Ang kanilang bangungot ay tungkol sa iyo. Kinatatakutan ka nila dahil hindi ka nila maunawaan. Hindi ka nila kailan man maunawaan. Kaya pilit ka nilang nilalabanan.

Kali: Labanan ako? Bakit? Ako ay iyong sugo. Kapag ako ay nilalabanan nila, kung gayo’y nilalabanan ka rin nila. Paano mo naatim ang lahat ng ito? Paano?

Amun: Hindi ko sinabing tinatanggap ko ang kanilang paglaban. Ang ibig kong ipahiwatig ay nangyayari ang lahat ng ito.

Kali: Ano ang gagawin mo para sa akin , Amun?

Amun: Hindi ko pa napag-isipan. Marahil ay wala.

Kali: May mas maganda akong naisip. Bakit hindi mo na lang sila ibigay sa akin? Gawin mo uli akong malakas at makapangyarihan tulad ng dati, Amun. Ibalik mo ako sa kung sino ako noon?

Amun: Sa paanong paraan? Siraan ang buong Calliecho? Burahin ko ang mga nila-lang dito?

Kali: Tama. Isipin mo Amun, ang kanilang mga gahmut, at mga bagong tuklas na pampahaba ng buhay ay nakasasakit lamang sa kanilang higit kaysa makatulong sa kanila.Ang mga gahmut ay patuloy na nagliligtas sa kanilang buhay na dapat ay sa akin.Tignan mo ang kanilang pagdurusa. Andami na nila sa Iba-ba, halos mapuno na ito. Marami na sila, at marami na rin ang dapat pakainin. Saan sila kukuha ng pagkain? Sa gubat ng Calliecho? Kalbo na ito. Ang kanilang hangin, manipis na rin. Nakita na nila ang yaman na sinasabi ni Freya. Mahilig na silang kumain ng higit sa kanilang kailangan. Namumuo na rin ang poot at galit dahil sa mga yaman ng Calliecho. Masdan mo ang ginawa ng karunungang ipinagkaloob mo sa kanila! Masdan mo ang mga nakuha nilang aral mula rito!Tignan mo ang kanilang yabang, pumupunta na sa kanilang isipan. Ibalik mo sila sa akin Amun. Nagawa na natin ito noon. Ibigay mong muli silang lahat sa akin. Magtira ka lamang ng dalawa. Mag-umpisa kang muli. Lumikha ka ng mga bagong nila-lang ng Calliecho! At sa iyong muling paglikha, mag-ukol ka lamang ng munting dunong.

Amun: Hindi maari ang iyong nais Kali…

Kali: Ibigay mo sila sa akin. Masdan mo ang iyong Kali, walang lakas! Masdan mo ang iyong sarili, Amun. Ang dunong at kalayaan binigay mo sa kanila ay ginamit na nila sa pagtalikod nila sa iyo! May mga nangunutya sa iyo at galit sa iyo. Sinisisi ka nila sa kanilang mga pasakit sa buhay. Ibalik mo ako sa dati kong anyo. Ibigay mo sila sa akin. Minsan na akong naging malakas at makapangyarihan. Kinatatakutan. Ibigay mo sila sa akin nang sila ay aking mahagkan! Amun, nagsusumamo ako.

[Hindi sinagot ni Amun si Kali. Iniwan niya itong mag-isa]

[Bumalik sa kinauupuan si Kali. Katahimikan ang bumalot sa kapaligiran.Bago umupo,]

Kali: Minsan ako ay Kinatatakutan at makapangyarihan. Nauupo ako dito sa upuang pagkatapos ng aking pagsundo sa mga kalaluluwa. Natatakot sila sa akin. Dinadasal nila sa iyo aking Amun na sila maligtas mula sa akin. Lumipas na ang mga panahong iyon. Wala na. Ngayon ang Harawati ng Kamatayan ay mamamatay na. O anong saklap na lohika. Ngayon ako ay lalagay na sa tahimik. Hindi ko napagtanto na maari ko itong sapitin sapagkat ako ay ang malakas at makapangyarihan na si KALI. Ngayon si Kali ay hihimlay na.

[si Kali ay naupo sa kanyang upuan. Ninanamnam ang bawat huiling sandali. Kukurap-kurap muna ang kanyang mga mata bago tuluyang huminto ang mga ito]

[Mamamatay ang ilaw]


IKAPITONG TAGPO: Isang Kawalan

Lalaki: Matapos mamatay ni Kali, ang lahat ng bagay sa Calliecho ay tumigil sa pag-inog. Ang mga maysakit ay gumaling. Ang mga sugat ay naghilom. Nabusog ang mga gutom. Ang mga nilalang ay nagkaisa at namuhay ng mapayapa. Sila ay nagpasalamat kay Amun at nagbigay papuri sapagkat tumanggap sila ng himala. Higit pa silang dumami pagkalipas ng ilang taon. Napuno ang Calliecho. Ang mga nilalang ay nagkagulo. Wala na silang makain ngunit walang namatay sa gutom. Marami ang nagkasakit ngunit nanatili na silang maysakit, sa halip na sumakabilang buhay. Dumami pa rin ng dumami ang mga nilalang sa Calliecho. Naubusan na ng hangin ang banyang nila. Wala nang sapat na hangin ngunit walang namatay dahil wala na si Kali. Paghihirap at pasakit ang bumalot sa banyang Calliecho. Mula sa Ita-as, pinanonood sila ni Amun, ang kanyang Calliecho, ang kanyang mga nila-lang. Doon niya nakita ang pagdurusa at pighati. Ikinumpas ng Amun ang kanyang kamay at nagwikang, “Kalayaan sa Pagpasya”!

(Boses ng Babae): Inaantay ka ng mga nandun sa Ita-as. Marami pang naghihintay na mga gawain. May tungkulin ka pang gagampanan.

Lalaki: Inanna … Sabihin mo ako pa rin ang masusunod. Aakyat ako sa Ita-as kung kailan ko naisin.

[magdidilim ang entablado]
[magsasara ang kurtina]


























Posted by raging_ritch at 01:12 PM as a favorite post | think out loud!

January 27th, 2005

umamin na si torpeng ako

umamin na ako noong january 25, 2005... 3:34pm... naks, detalyado...

tapos... hindi ko alam kung paano siya mag-re-react... kasi nakasulat yun... di ko kasi masabi ng diretso... pero ok lang... hindi ko nga alam kung ano ang magiging reacksyon niya... kumakabog ang dibdib ko... ni hindi ko nga alam kung paano ko inumpisahan...

ang banat ko yata noon eh... "Ok ka lang... sigurado magugulat ka sa malalaman mo..."

so bale ang laman ng sulat eh yung kwento kung saan nagsimula at lahat... natuwa nga ako nung sabihin niya sa akin na namula o uminit yung mukha niya matapos niyang basahin ang aking liham...

tapos sabay banggit na napapansin na niya noon na ganoon nga pero ayaw daw niyang mag-assume... hehehe...

tapos nag-usap kami sa cell... siguro kung susumahin eh mga 3 oras kami na naguusap... pucha kahit na putol-putol... ok lang... ehehehehe...

tapos tanong niya sa akin... bakit ko daw sinabi... ang sagot ko simple lang... its my first step... sabay may follow up... nanliligaw ka ba? gusto kong umamin agad... pero tinanong ko siya... ano ba sa tingin mo? ang sagot niya... hindi ko alam... eh di sabi ko oo... pero kung hindi ok sa kanya eh, ok lang na maghintay... tutal isang taon na din akong naghihintay... ehehehehe...

tapos kanina, dinala ko sa kanya yung buk sa or... dinala ko sa bahay nila... at sa oras na 10 eh kagigising pa lang niya... pero ok lang... maganda pa rin naman siya eh..

hanggang dito na lang muna... hay... ang saya ng buhay...

Posted by raging_ritch at 04:43 PM | 6 talked back