October 29th, 2005
sa sakayan inumaga
sa sakayan nang ang ating mga kaibigan ay umalis tayo na lamang ang natira...
hindi
nga tayo magkakilala... ni hindi ko alam ang pangalan mo nung una...
leah, ang pakilala sa iyo... si leah... tahimik... pero nang akin nang
nakausap ng mas matagal... nakilala ko ang isang tao na matapat...
totoo... walang bahid ng pagkukunwari...
ang biruan usapang ayaw pa ng umuwi ay nauwi sa seryosohan... umalis ang bus ng ating mga kaibigan ng alas tres y medya... mahigit isang oras na tayong magkasama... kung saan-saan na napunta ang usapan... masaya... nakakatawa... nakakangarag...
hanggang sa kailangan na nating magkahiwalay dahil may trabaho ka pa ng alas otso yata...
paalaman na...
uwian na...
kanya-kanyang taxi na...
tulad nga ng sabi ko, sa apat na araw na halos 180 katao ang aking nakasalamuha... ang ating pag-uusap pa ay ang aking maituturing na pinakamatagal... ang nakakatawa rito ay hindi sadya ang ating pagkikita...
hanggang sa muli...
isang sakay lang naman bonifacio na...