Entries for November, 2005

November 7th, 2005

ISANG NAPAKAHABANG GABI PINAGSALUHAN


Nag-umpisa lahat sa isang ayahan ng twister fries at mcfloat.

SM BAGUIO. McDonald’s.


Wala namang tao pero ilang minuto rin naman naming tinititigan ang makukulay at katakamtakam na larawan ng mga pagkain na mabibili sa McDonald’s…


‘Dalawang twister Fries, 2 McFloat, isang apple pie at isang McFlurry”… “take out na lang po.”


Matapos ibigay ni mamang cashier ang bayad namin sabay abot nung inorder namin, tinahak na namin ang daan patungong Tea House.


Pucha! Tea House? San banda dito maliit na SM Baguio ang hinayupak na kainan na yun. Nagkunwari akong may alam. Kunwa’y parang nag-isip. Sumuko ang aking utak. Naglakad na lang kami sabay subo ng twister fries at higop sa mcfloat.


May nakita kaming nakatayong mapa ng SM Baguio. Akalain mo, dalawang taon na ang SM Baguio ni hindi ko alam kung saan ang tea house. Nahihiya man, nilapitan namin ang mapa at nakita ang marker na “YOU ARE HERE” sabay hanap sa pangalan na tea house... wala… saan floor kaya? Naku naman, parang awa nasaan kang tea house ka…


Naglakad uli kami… patungo sa maxim’s tea house… ang tea house na hindi naman namin hinahanap… pero di rin namin nakita… sige, napagpasyahan namin na I-text na lang namin ang mga kaibigan kong nasa tea house… nagtxt saka napagkasunduan na lang namin munang dumaan sa National Bookstore… pero naisip uli namin uling umupo… ngayon, naisip kong basahin ang reply… ayun, napansin namin na wala na ang cellphone…


“PUTIK! Nawala na ang cellphone….. (ibang kwento na iyon) basta nawala ang cellphone period…. Case Closed…”


Ayan buti na lang at nagtext sa isang phone yung kaibigan ko at sabay sabing tabi ng Dencio’s…


DENCIO’S?!! Panginoon ko… Saan sulok na naman ng SM namin hahanapin ang Dencio’s… ayan, ayaw ko nang mag-isip… ayaw na… nagtanong na kami sa mamang sekyu na aming makakasalubong… gulat si kuyang sekyu… napaisip… sabay sagot ng akyat kayo tapos turn right… whew!!!! Solved!!!


Nakita namin ang grupo… nakiyosi … nakikwento tapos saka na umuwi…


Umuwi sa borading house… pero gusto ko nang umuwi at manood ng Pinoy Big Brother… Ang eviction night… pero sabi niya, kwentuhan muna kami kaya sige… ayan… kwentuhan hanggang sa nauwi sa mga kanta… tapos naghanap kami ng pelikula… ADDICTED TO LOVE ang aming nakita…


Isinaksak sa PC… nagpla-play na ng napansin kong inaantok na ako at gustong kumain ng Snaku at sweet corn… tsaka garlic chips… hmmm… sarap imaginin…


Kaya naman lumabas kami ng 1am para bumili… wala akong nakitang snaku… wala ring sweet corn… MANI!!!! Garlic peanuts… ayan kinuha ko… tapos sabi ko bitin ito… bitin… kaya naman kumuha pa ako ng karagdagang Piattos na Sour Cream and Onion…


AYOS! SOLB… pagbalik sa boarding house… nanonood tapos nakahiga sabay subo ng mani at piattos…piattos at mani… inom ng tubig… ayan naubos ko… pero bago pa man namin matapos ang pelikula ay bumibigat na ang aking mga mata… inaantok na ako… tulog na tayo sabi ko… at yun nga natulog na kami… nagsiksikan sa kamang pang-isahan… magkayakap… zzzzzz…zzzz…zzz…zzz…

Posted by raging_ritch at 01:33 PM | 7 talked back

November 20th, 2005

ang aking ka-love team

kunwari ang aking buhay isang pelikula... sabi nila may umpisa at may hangganan pero sa ngayon ang ikwekwento ko ay tungkol sa kasalukuyan.... habang nangangarap ng gising...

ang specifics:

themesong: power of two

leading lady: si marian

genre: to be decided...

oOo

nag-umpisa lahat sa isang segment ng ASAP '05 last week ng nakatanggap ako ng text mula kay marian... (tumunog ang aking cellphone) si marian... nagcomment tungkol sa pagsali ko sa close up to film... loko ito ah, ginatungan pa ang panloloko ng pinsan ko... hehehehe...

dito nag-umpisa ang aming mga munting pangarap... na kunwari ay totoo sa aming sariling mundo... mundo na umiinog sa aming mga utak... at tamang doon lamang dapat manatili...

kunwa'y akala mo ay sikat na mga personalidad kami kung magbiruan sa text... akalain mo ba namang magrerecording kami, taping, pictorial at kung anu-ano pa...  at sa isang malaking tv network daw kami may exclusive contract...  hehehehehe...

masarap paglaruan ang mga ideyang ito lalo pa at pareho kaming tripper...

si marian...

ang aking ka-luv team...

ang aking special friend... si marian, ang taong mukhang mas madami pang alam sa akin kesa sa mga malalapit ko pang kaibigan.... si marian ang wallpaper sa computer ko... si marian, ang wind beneath my wings kapag down ako... si marian ang kakulitan ko sa text...

si marian... kung... di bale na lang... mas ok na kaming ganito... loveteam na lang...

---and cut----

hehehehehe...

Posted by raging_ritch at 07:19 PM | 2 talked back

November 22nd, 2005

para sa iyo aking (magiging) anak...

sa aming pag-uusap ng aking tiya noong linggo, kaarawan ng aking kuya, ay napag-usapan namin ang tungkol sa binyag at kasal...

binanggit sa akin ng aking tiya na parang kelan lang at sa binyag lang siya may inaanak... pero ngayon, iba na raw... kasal na... sabay tanong sa akin, "ano ang ibig sabihin nito ritcher?"

natahimik ako... biglang napaisip...

"matagal pa tita"

"Matagal pa ang alin?"

animo'y ibig akong hulihin... hindi ko alam kung ano ang unang ibabatong sagot... ang naisip ko ang kuya...

"matagal pa daw po ang kuya ikakasal... pati din po ako... matagal pa... "

hindi doon nagtapos ang aming usapan ngunit hanggang sa aking pagtulog ay baon ko ang mga katanungang: "ano ang ibig sabihin nito, ritcher?"

nakahiga na ako pero hindi ko mawaglit sa isip ko ito... sabay tanong sa aking sarili... handa na ba ang lumagay sa tahimik kung saka-sakali?

ang sagot ko diyan... hindi pa... marami pa akong pangarap...

bago ko tuluyang makatulog, naisip ko, sino kaya sana ang makakatuluyan ko sa mga naging katipan noon...

sabay naisip ko... siguro wala talaga dapat sa kanila... hanggang sa umandar na naman ang aking pilyong kaisipan... kung lahat na lang kaya eh anakan ko... di masaya... puro panganay... magkakalat ng lahi... ngunit sa kabilang banda... naisip ko... paano yan, may kapatid din akong babae, may pinsan din akong babae, may mga kaibigan din akong babae... hindi ba't kabastusan na iyon sa mga kababaihan...

hanggang sa mapadpad ako sa dakong iniisip ko paano kung sa makailang beses na akong muntik-muntikang sumablay at matuluyan ang pagiging ama... kakayanin ko kaya... sigurado ako ang isasagot oo... pero noong pinakaiisip ko ang sagot... ang sagot ko hindi pa...

bilang isang nilalang na buhay na sa loob ng dalawang dekada, masasabi ko na marami na akong naranasan ngunit mas marami pa ako ng hindi naranasan... bilang isang tao...

kaya ito anak, pagkaraan ng ilang taon, babalikan mo ang journal kong ito... pakatatandaan mo na ang iyong ay ama ay pilit na paghahandaan ang iyon pagdating sa mundong ito... ayaw ng iyong ama na maranasan mo ang mga hirap na naranasan ko... bilang iyong ama, susubukan kong ibigay lahat ng "pinaka" sa mundo hanggat kaya ko... pero lahat ng ito ay may limitasyon anak... simple lang ang gusto ko, makita kang lumaki ng masaya at masasabing, "dad, thank you and i love you..."

Posted by raging_ritch at 04:25 PM | 3 talked back