January 24th, 2006
DRAMAFEST WINNER KAMI
hindi ko malilimutan ang enero 19,2006... siguro hanggang grumaduate ako... o kaya hanggang sa may mga kaibigan pa ako na kabilang sa teatro nightingale...
......
nagsimula ang araw ko galing ng duty ng 11-7 sa benguet gen... pasalamat ako at walang nanganak ng madaling araw kung kaya nagawa ko yung background music namin para sa one act play na aming itatanghal ng kinahapunan ng araw na iyon...
dumating ako sa eskwela ng mga bandang alas otso... wala nang uwi-uwi sa amin, nakituloy na lang muna ako sa boarding haus sa caguioa... diretso na ako sa aming tagpuan sa aden building para ihanda ang mga kalahok namin sa stand up comedy at pantomime... kinakabahan na ako... kasi matagal na ring panahon na hindi kami sumasali sa morning competition ng stand up at pantomime...
in short, natpos din ang morning shows... maganda ang aming ipinamalas pero mas marami nga lang ang mas maganda... pero partida yan... yung mime namin, 10 minutes bago siya sumalang eh nirerepaso pa namin ang buong piece niya... astig talaga si bram...
natapos ang morning show... ang big show na ang susunod... ONE ACT PLAY... madami pa kaming tatapusin... ang backdrop... di pa tumatayo... ang mga props kulang-kulang pa... ang mga artists, wala pang make-up, di pa nakacostume... si mother mary namin, tinatahi pa lang ang kanyang dami... waaaaaaaaaahhhhhh!!!! masisisraan na ako noon, hindi ko alam kung ano ang uunahin, may nagkukuya dito, may nagkukuya doon... salamat na lang at nandyan ang mga kaibigan kong sina irene at ivee na walang sawang sumuporta....
sige... rush... lahat... pintura ng backdrop... pukpok ng martilyo dito at doon... putol ng mga pangkabit na alambre... dikit ng bintana... hala sige, magmadali ka at entry number 5 na... entry number seven ka... loko...
isa isa na naming inakyat ang mga props... ang mga propsmen ko ay ang mga actors ko na rin... san ka pa... sa laki ng college namin, tinitignan lang kaming hirap na hirap na magbuhat at walang tumulong... ang masakit eh nung bumigay yung backdrop 1 eh tinawanan pa kami... sus... parang di naman kayo nursing...
dumating ang props sa cca, sira...as in wasak... major repair... sige, may backdrop 2 pa sa aden... anku paano na ito... as expected nasira din bago pa man lumabas ng aden building... oh anong saklap... gusto ko nang umiyak... sa inis, sa galit... pero bilang isang direktor, kailangan mong ipakita sa iyong tao na everythign is all right kung hindi, mawalan sila ng gana... sige... laban kung laban... laking pasalamat namin sa COLLEGE OF ENGINEERING AND ARCHITECTURE na kusang loob na tumulong sa amin..... ang crew ko, karamihan babae at "babae"... ilan lang kaming lalaki... sige laban... sa buong play namin eh tumayo na lang sila sa likod ng backdrop at hinawakan ng 30 minutes para hindi bumigay...
nairaos din namin ang aming pagtatanghal... ako, nakahinga na ng maluwag kasi it was more than i expected... hindi ko kasi magawang mpasunod sa aking ibig na makita ang kanilang pag-arte... pero nung pagtatanghal... ibang-iba... just as instructed... natapos ang lahat...
sa kahuli-hulihan... ang aming sirang props... maniwala kayo at hindi, nanalong FIRST RUNNER UP sa BEST IN SET DESIGN... sabi ko nga, ayan, sa mga nang-api at tumawa... eat your words... first runner up? feels like we won the best set design sa lahat ng pinagdaanan namin... ang best in set design nga pala ay napunta sa COLLEGE OF ENGINEERING AND ARCHITECTURE... ang saya... salamat sa kanila...
ang aking best actress, naku, naglululundag ako sa tuwa nung tawagin siya... as in ... alam ko, pasok siya sa top 3 pero hindi ko inexpect na iuuwi niya yung award... ang galing... napabilib niya lahat ng mga manonood pati mga hurado... pati ako, dahil nagawa niya yung hirap na hirap naming i-rehearse... ang kanilang paghihilahan at ang duraan portion...
ako naman, sa sobrang tuwa ko na nakauwi kami ng major award, eh masayang masaya... nakikipagkwentuhan ako sa aking best actress... sige picture-picture... na hindi ko narinig na tinawag na pala ang aking pngalan bilang best director... kung hindi sinabi sa akin ng aking actor na si perjohn, hindi ko alam na nanalo ako... kaya nung nagsink in na nanalo ako... nagtatatalon ako at saka pumunta para kunin ang aking award... ang saya para kang nasa cloud nine...
pero ang pinaka nakakataba ng puso ay nung itanghal kaming best presentation for one act play, hindi namin inaasahan... ang hiniling ko lang sa panginoon ay mag-uwi ng isang award lang... isa lang pero ibinigay niya eh 4, kasama pa dito ang pinaglalabanang BEST PRESENTATION...
sa mga sumigaw at nang-api sa amin...sa lahat ng tumawa sa kapalpakan namin... sa mga hindi nagtiwala sa amin... sa mga kapwa namin student nurses na imbes na sumuporta ay itinulak pa kami pababa... salamat... dahil sa inyo, nagpursige kami... dahil sa inyo, hinayaan niyo kaming manatiling nakatapak sa lupa... dahil sa inyo, natuto kaming magpakumbaba... dahil sa inyo, nalaman namin na underdogs can win it...
sa college na "it-should-not-be-named"... salamat...
ang pinakamalaki ang pasasalamat namin ay kay ma'am jackie ceralde dahil sa suportang ibinigay niya sa amin... na kahit medyo hindi kami ganoong sinuportahan ng aming kolehiyo, sige, si ma'am jackie ang aming naging driving force... MA"AM JACKIE... SALUDO PO KAMI SA INYO... mula sa lahat ng kasapi ng TINGGE!!!!