February 7th, 2006
"kapatid mo? NO, My son."
ako ay nagpunta sa sm para bumili ng UNO magazaine at hair wax... habang naglalakad ako sa third floor ng sm department store at tumitingin sa mga laruan... may isang mamang nakangiti sa akin habang karga-karga ang isang bata...
hindi ko ito pinansin kasi hindi ko kakilala kako... papalapit ng papalapit... pucha isang kaibigan noong high school... syempre nagkabatian...
pinuna ko iyong bata na kanyang karga...
"Kapatid mo?"
No. My son. ang kanyang sagot...
nalimutang halos 5 taon na ang nakakalipas mula noong nakita kong huli ang kanyang kapatid... hindi ko siguro naitago ang gulat sa aking mukha kaya naman sabi niya... oo tol, anak ko nga... grade one na yung ading ko...
pagkatapos may sumesenyas sa kanya na babae .... tapos nagka paalaman na kami...
noong nasa counter na ako.,... naisip ko, lahat na yata ng kakilala ko ay may mga anak na... ano kaya ang feeling ng may karga-kargang bata? hindi ko inaasahan na mula sa isang tahimik na tao noong haiskul ang isa na sa mga taong may mga anak na... tsk... tsk... ang mga tahimik nga naman ay nasa loob ang kulo...