Entries for March, 2006

March 16th, 2006

LIBRO AT KUBETA

LIBRO AT KUBETA

(Paunawa: Ang blog entry na ito ay ukol sa isang bagay na madalas ay kinahihiya nating pag-usapan dahil sa nature ng lugar na ito… nasa inyo na kung ipagpapatuloy ang pagbabasa… )

 

Kadalasan kapag ramdam ko na malapit na akong magpaunlak sa tawag ng kalikasan naghahanap na ako ng katuwang bago pa man ako pumasok sa aking “throne room”.

 

 

Kapag naramdaman kong handa na akong umupo sa trono, bitbit ko na ang aking babasahin--kahit ano, dyaryo, magazine, o kaya ay libro. Mga aklat na pang-aliw sa sarili habang nagpapaka-high sa amoy ng aking mga produkto sa buong araw.

 

 

Paminsan-minsan naman ay alam kong mala[pit na akong magbawas, papasok na ako sa chamber at uupo habang hinihintay ang pagbaba ng aking kinain mula sa aking stomach, papunta sa aking intestines, sa colon at hanggang sa magkatawang tae na ito. Welcome to the real world.

 

 

Sa ganitong pagkakataon, nanailang pahina na ako eh aba, wala pa ang aking idedeliver sa banko ng aking trono. Nangangalay na ako . false arm! MInsan tuloy ay parang at home na ang aking puwet sa trono na kailangan  tapusin ang isang buong chapter o exciting na bahagi tsaka ako eexit sa throne chamber. Ayaw na ayaw kong nabibitin…. Nabibitin  sa aking binabasa.

 

 

Total nasanay na rin akong ganuon, nakabuo tuloy ako ng isang ideya. Marahil ay magpapagawa ako ng silid aklatan na ang mga silya ay animoy trono sa “throne chamber”. Ewan ko kung matutuwa ako, maiinis, mandidiri  sa aking ideya pero aliw siyang isipin… siguro hanggang doon na lang siya… mukhang pangit i-implement.

 

 

Tulad ng mga libro; may maiksi at may mahaba, may tatapusin at may itutuloy. Installment kumbaga. Gayundin minsan ang aking byahe sa kubeta, may mabilis, mabagal , minsananat may pabalik-balik. Ganun nga, nakahanap na din ako ng pagkakatulad ng aklat at kubeta.

 

 

Minsan tsumatsamba rin ako ng pangit na aklat na dalhin sa “throne room”. Yung ang kapangitan ay gusto mo nang isama sa aking pagflush kung hindi lang ito babara sa aking minamahal na trono.

 

 

Masama nga lang minsan dahil siguro ay nakasanayan ko nang magbasa ng aklat sa kubete, nakalimutan ko na kung bakit ako pumasok dito--para ba maglabas ng sama ng loob o magbasa ng aklat.

 

 

Ewan.

 

 

Posted by raging_ritch at 03:38 PM | 2 talked back