Entries for May, 2006

May 6th, 2006

THE REALITY BUG’S BITE: Living the Manila nightmare

Back when I was still in Baguio, I always thought that Manila would be a nice place to explore and all that… like in the local films, the ‘syano who went to the city… though technically, I am not a ‘syano cause I came from a CHARTERED city since 1909…

I over idealized the thought. I was wrong.

At first I was kinda hesitant to leave my comfort zone… afraid of what is to come in the very fast paced metro… but I do not deny that somehow I felt excited leaving the place of my birth and the many memories behind me…

As days pass, the excitement died. One after the other, the stress of living in this complicated world is starting to overwhelm me…

The place…

The people…

The lifestyle…

The place… its like an endless world of streets and eskinitas… as if I am in a real life survival game… parang nag-iiba yung lugar kapag nakasakay ka, kag naglalakad ka, kung nasa kabilang parte ka ng street…. Mga daan pa lang hilo na ako… idagdag mo pa ang init, ang usok… shit… KINANA  pay lang!!!

The people…

Hindi ko sinasabing bastos o walang modo ang mga tao ditto… pero minsan eh may pagkakataon na may “hambog” factor ang mga tao ditto… ito yung scenario:

                                                                                             

Taga-Manila (TM1): san ka graduate?

Ritch (R): sa SLU

TM1: san yun?

R: (Medyo nadismaya, pero kunwari wala lang) sa baguio

TM1:ah sa baguio… anlayo ah…

R: (ngumiti na lang)

(biglang may nagside comment. Si taga-manila 2 (TM2))

TM2: never heard!?

Parang nung mga panahong iyon eh gusto kong tumayo at sigawan yung tao… kung hindi lang siya babae eh… baka napa-away ako ng wala sa oras… okay lang sana itinago na lang niya sa sarili niya… naku, sayang ka miss, ok ka n asana eh, mayabang ka lang… baka kapag ikinumpara natin ang mga eskwelahan natin eh baka bigla kang tumiklop… hindi naman sa nagmamayabang… SLU is not the NORTHERN LIGHT for nothing… I can attest to that…

Tapos ang mga kapitbahay ko dito… naku naman, akala mo eh araw-araw eh may birthday o anuman dahil kahit tanghaling tapat eh may umiinom ng redhorse… eh dim as lalo sa gabi, walang pakundangan silang magpatugtog habang nag-iinuman… ang mahirap kasi eh dayo lang ako ditto, kaya naman ala akong magawa… tiis ka na lang ritcher… 44 days na lang uuwi ka na ng baguio…

The lifestyle… oo sa baguio kaya kong magpuyat… syempre naman… pero kung mabuhay ka naman na baliktad ang time orientation mo eh ewan ko na lang kung di ka mabaliw… maging paniki ka… dating ng tubig eh ala-una hanggang alastres ng madaling araw… sa baguio, himbing na himbing na ako nun.. anyametten… yung gastos… kung sa baguio eh buhay na ako sa sandaan… ditto parang kulang ang isandaan.. hindi man ako namamasahe patungo sa review, eh natataga ako sa pagkain… palibhasa ala na yung store namin…naiwan sa baguio… ako pa man din yung kung kumain eh parang every two hours… hay naku… ang hirap talaga ng mamuhay sa labas ng kinasanayan mo na…

Sus, kung tatanungin ako kung gusto kong bumalik sa bundok ng baguio,… sasabihin ko… syempre… pwede ngayon na!!!!

Pero dahil sa ako ang isang tao na hindi quitter… at dahil personal kong choice ito, kailangan panindigan ko… para sa akin din naman ito… dahil hindi habang buhay na anjan yung mga taong handing gumawa ng mga bagay-bagay para sa iyo… aabot din ako sap unto na kailangan ko na din maging independent…kumbaga… putulin na ang invisible umbilical cord ko para naman matuto akong pagsilbihan ang sarili ko… yung tipong gagawin ko ito kasi kailangan dahil wala nang ibang gagawa nito kundi ako lang…

Posted by raging_ritch at 10:26 PM | 10 talked back

May 31st, 2006

captain barbell: trying hard

i am a comics and film addict i admit...

and the claim of captain barbell that something like filipino hero lalalalala is a big bull...

the plot itself is a REAL CARBON COPY of SMALLVILLE!!!!

the similarities....
1. the spaceship that crashed in the barren field... only difference...capt barbell's mom is with him...
2. the old couple with a pick up... and in the pick up they placed the "sasakyan" ni capt. barbell...
kung merong Kent farm, meron ding farm yung sina capt barbell..
3.the krypotonite that weakens clark... meron din si capt B niyan... red nga lang, hindi green...
4. at si general... kung hindi ba naman gayahin si prof x na nakawheel chair... at may power pa na force field as shield from attacker na parang kay magneto...
5. andun din ang mga may x-ray vision ng mga kagaya ni robocop...

at madami pang iba...

hindi ko alam kung pinagmumukha lang tayong tanga or  talagang manggagaya lang talaga ng concept ang mga nasa likod ng programang ito...

sa mga fans ng smallville na tulad ko... alam natin kung ano ang mga nangyari kay clark kent...

ibig sabihin hindi pinoy si capt barbell kasi galing kalawakan...

ibig sabihin hindi original pinoy si capt barbell... dapat sa kanya ang tawag eh CAPT BARBELL: THE PINOY SUPERMAN...

mas naapreciate ko pa yung capt barbell ni herbert at bong...

kasi doon may changes... kasi si herbert nagiging edu, si ogie nagiging bong... eh si richard, si richard din... wala na bang ibang gaganap? anjan naman si richard (pero ginawang kalaban) o kaya si bong...

sayang... akala ko eh this is something to look forward to, i was wrong... parang bagay sa programang ito ang lingyang:

U R NOTHING BUT A 2ND R8 TRYING HARD COPYCAT...

 

Posted by raging_ritch at 06:12 PM | 10 talked back