May 6th, 2006
THE REALITY BUG’S BITE: Living the Manila nightmare
Back when I was still in Baguio, I always thought that Manila would be a nice place to explore and all that… like in the local films, the ‘syano who went to the city… though technically, I am not a ‘syano cause I came from a CHARTERED city since 1909…
I over idealized the thought. I was wrong.
At first I was kinda hesitant to leave my comfort zone… afraid of what is to come in the very fast paced metro… but I do not deny that somehow I felt excited leaving the place of my birth and the many memories behind me…
As days pass, the excitement died. One after the other, the stress of living in this complicated world is starting to overwhelm me…
The place…
The people…
The lifestyle…
The place… its like an endless world of streets and eskinitas… as if I am in a real life survival game… parang nag-iiba yung lugar kapag nakasakay ka, kag naglalakad ka, kung nasa kabilang parte ka ng street…. Mga daan pa lang hilo na ako… idagdag mo pa ang init, ang usok… shit… KINANA pay lang!!!
The people…
Hindi ko sinasabing bastos o walang modo ang mga tao ditto… pero minsan eh may pagkakataon na may “hambog” factor ang mga tao ditto… ito yung scenario:
Taga-Manila (TM1): san ka graduate?
Ritch (R): sa SLU
TM1: san yun?
R: (Medyo nadismaya, pero kunwari wala lang) sa baguio
TM1:ah sa baguio… anlayo ah…
R: (ngumiti na lang)
(biglang may nagside comment. Si taga-manila 2 (TM2))
TM2: never heard!?
Parang nung mga panahong iyon eh gusto kong tumayo at sigawan yung tao… kung hindi lang siya babae eh… baka napa-away ako ng wala sa oras… okay lang sana itinago na lang niya sa sarili niya… naku, sayang ka miss, ok ka n asana eh, mayabang ka lang… baka kapag ikinumpara natin ang mga eskwelahan natin eh baka bigla kang tumiklop… hindi naman sa nagmamayabang… SLU is not the NORTHERN LIGHT for nothing… I can attest to that…
Tapos ang mga kapitbahay ko dito… naku naman, akala mo eh araw-araw eh may birthday o anuman dahil kahit tanghaling tapat eh may umiinom ng redhorse… eh dim as lalo sa gabi, walang pakundangan silang magpatugtog habang nag-iinuman… ang mahirap kasi eh dayo lang ako ditto, kaya naman ala akong magawa… tiis ka na lang ritcher… 44 days na lang uuwi ka na ng baguio…
The lifestyle… oo sa baguio kaya kong magpuyat… syempre naman… pero kung mabuhay ka naman na baliktad ang time orientation mo eh ewan ko na lang kung di ka mabaliw… maging paniki ka… dating ng tubig eh ala-una hanggang alastres ng madaling araw… sa baguio, himbing na himbing na ako nun.. anyametten… yung gastos… kung sa baguio eh buhay na ako sa sandaan… ditto parang kulang ang isandaan.. hindi man ako namamasahe patungo sa review, eh natataga ako sa pagkain… palibhasa ala na yung store namin…naiwan sa baguio… ako pa man din yung kung kumain eh parang every two hours… hay naku… ang hirap talaga ng mamuhay sa labas ng kinasanayan mo na…
Sus, kung tatanungin ako kung gusto kong bumalik sa bundok ng baguio,… sasabihin ko… syempre… pwede ngayon na!!!!
Pero dahil sa ako ang isang tao na hindi quitter… at dahil personal kong choice ito, kailangan panindigan ko… para sa akin din naman ito… dahil hindi habang buhay na anjan yung mga taong handing gumawa ng mga bagay-bagay para sa iyo… aabot din ako sap unto na kailangan ko na din maging independent…kumbaga… putulin na ang invisible umbilical cord ko para naman matuto akong pagsilbihan ang sarili ko… yung tipong gagawin ko ito kasi kailangan dahil wala nang ibang gagawa nito kundi ako lang…
the_shadowbearer (guest)
raging_ritch

siguro, napanood mo yung sa imbestigador...
the_shadowbearer (guest)
sory if i judged your school.
raging_ritch

nakakahiya man, aminado din kami na may flaws din ang skul namin... hehehehe
raging_ritch

mayang (guest)
raging_ritch

ekatarina

raging_ritch
