March 29th, 2007

minsanang gulantang

sa tagal ko na ring nabubuhay ng mag-isa, hindi ko namalayan na nawawala na pala ako sa sirkulasyon ng mga kaibigan... may mga balitang ancient na pero sa akin akala mo eh bagong bagong balita...

 in less than 24 hours, ginulantang ako ng mga sumisirit sa init na mga pasabog ng mga kaibigan...

boom...

bang...

kablam!!!!

 sa hinagap ko eh hindi ko inaasahan na sa iisang bagsakan ko tatanggapin ang mga nakakahilong mga balita...

meron ipinamalitang nagkakamabutihan si ganito at ganun pero nasasaktan yung isa... may balita pang bagong buhay ang dinadala... may isa pang pag-amin sa kung ano ang nararamdaman... may nagbuhos ng mga sama ng loob... may mga sikretong ibinunyag...

nakakagulat man at naging mabilis ang mga pangyayari, isa lang ang naisip ko... masyado na ba akong lunod sa sarili kong mundo at hindi ko na alam ang nangyayari sa mga taong malalapit sa akin...

ngayon ko lang napagtanto na hindi ko man sadyang ilayo ang sarili ko sa kanila, hindi ko namamalayan, unti-unti nang nagkakaroon ng puwang... pero ang puwang na iyon ay kayang-kayang punan...

 sa minsanang gulantang na nangyari sa akin ngayong araw na ito...  inihahanda ko na ang aking sarili kapag ibinuka ko ang aking bibig at nagtanong... hindi ko alam kung dapat ko pang tanungin ang mga bumabagabag sa aking isipan o mas maigi na lang na manahimik at tanggapin ang mga balita...

sa mga susunod na araw, ano naman kaya ang susunod kong matatanggap... maganda o masamang balita... yan ang dapat ko na lamang abangan... pero sana puro magandang balita na para naman maaliw ako kahit papaano...

sana sa susunod, unti-untiin naman ng pagkakataon ang pagsambulat ng mga balita sa aking mukha...

 

Currently feeling: gulat at mulat
Posted by raging_ritch at 05:40 PM | 3 talked back
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on March 29th, 2007 at 06:00 PM
hehe, ganyan din ako.. kaya parati akong feeling out of place sa mga ganyang usapan. pero okay lang, wala rin naman silang alam sa akin eh :) *chosen few lang kumbaga*

sana nga good news na lang! ^^.
Comment posted on April 1st, 2007 at 01:19 AM
well, we were both wrong. i got a very bad news. :(
Comment posted on March 29th, 2007 at 06:19 PM
sana magdilang anghel ka na puro good news..