ninakaw, nagpanakaw, ipinanakaw
kasama sa aking pagtanda ang pagtatanong ng mga tao ng linyang,
"May gf ka na?”
Ako ay umuling lamang at tuloy sa aking pagkain…
“ Eh di ba si ... ano nangyari?"
aking simpleng sagot... “ninakaw... at nagpanakaw naman siya...”sabay tawa para maikubli ang pagkainis....
“hindi ko din alam kung bakit nga naman siya nagpanakaw eh hindi ko naman siya ipinapanakaw sa iba..”
ang magaling na mungkahi ng aking kaibigan, "eh di magnakaw na din..."
napakamot ako ng ulo... sabay sabing... "nakaw sabay uwi..." kami ay nagtawanan sa aming binibitiwang mga salita....
pero itong si kaibigan eh mabilis kumabig, "pero kung nakaw, eh baka nakawin din sa iyo..."
sa aking gulat eh may delay ako ng feedback ng mga 5 segundo... eh di magnakaw ka na lang uli ng iba, aking sagot....
at sinegundahan ko pa... "mahirap naman ipaglaban ang taong sumuko na sa laban... isinuko niya ako tapos ipaglalaban ko siya.... ang galing naman niya.... swerte naman niya ah kung ganun...."
tinapik niya ang aking likod at sabing, “yan ang fighting spirit… pero sigurado ako sa loob-loob mo (sabay turo sa aking puso) eh masakit…”
ako ay nagging mabilis sa aking sagot, isang malakas na siko sa kanyang tagiliran at may follow up pang isang napakalutong na batok…
sa mga ipapanakaw at ipinanakaw…
sa mga magnanakaw…
sa mga nagpapanakaw…
sa mga nakaw na sandali ang bagsak…
bakit mo kasi nanakawin kung pwede naming hingin…
bakit mo kasi ipapanakaw kung ayaw mo mawala…
bakit ka kasi magpapanakaw kung ayaw mo talaga…
sa banding huli, ang nakawang nagaganap eh hindi maiiwasan… pagalingan na lang sa diskarte ng nakawan..
