June 9th, 2007
sa panahon ng tagtuyot , sa panahon ng tag-ulan
ilang linggo na ang nakararaan noong unang bumuhos ang ulan dito sa maynila... sa katunayan, reklamo ako ng reklamo ukol sa sagad-sagarang init at alinsangan ng maynila...
dinalangin kong sana ay umulan....
noong araw na iyon, ang kaibigan ng aking kapatid at kaibigan din ng kaibigan ko ang nang-iingit sa sa akin sa sa siyudad ng baguio raw ay araw-araw nang umuulan sa hapon... natural, ako ay nainggit at aking tinuran sa text... "sana dito rin umulan..."
sa hapon , madalas ay itinutulog ko na lang ang sobrang init kasi nakakatamad magkikilos... nang ako ay magising, umuulan...
sa aking tuwa, nagsend to many ako... take note, send to many hindi groups dahil ang aking cellphone eh kasing out of style ko... hahahaha... (balik sa kwento)... nagpadala ako ng mensahe na naglalaman... "YEHEY!!! UMUULAN DITO!!" ...
walang nagreply...
sa isip-isip ko, at hanggang dun na lang... "mga punyeta kayo, minsan lang ako maging masaya dahil umulan, di niyo pa ako pinapansin... "
makalipas ang ilang minuto... tumunog ang aking cellphone... standard message alert...
pinakatitigan ko ang aking cellphone... mistulang isang nang-aakit ang mga letrang bumubuo ng " 1 Message Received"... ahahahaha... matapos magrehistro sa aking mga nerves ang aking nabasa... pinindut ko ang aking cellphone...
"you got an answered prayer."
ako naman daw ay natuwa at ako may dumamay sa aking kaunting kasiyahan... hahahaha.... pindot ng pindot hanggang mabuo ang aking reply.... "ang sarap ng lamig... sarap matulog...."
matpos ang ilang segundo...
"oo nga... kapag umuulan, nakakalibog... gusto ko tuloy mag...."
natawa ako... hindi ko alam kung epekto ng may dumadamay sa aking kasiyahan o natawa ako ng sadya dahil sa reply...
ang aking reflex ay gumana, nagtanong... "ha? bakit?"
simple ngunit sa katotohanan... ako ay napaisip ng bahagya sa kanyang reply...
"taglibog sa panahon ng tag-ulan"
parang akong pumasok sa mundo ng matrix dahil sa dami ng ideang pumasok sa aking isipan... kaya ba may june bride kasi malamig kapag june at masarap maghoneymoon... kaya ba kapag july-august-september na panahon ng mga bagyo eh maraming batang nabubuo... kaya ba kapag december eh madami ding ikinakasal dahil katulad din ng rason ng mga june brides... masarap maghoneymoon dahil malamig... kaya ba sa baguio o tagaytay pinipiling maghonymoon ng mga bagong kasal kasi malamig at maulan... at kung anu-anu pang mga ideyang pumasok sa aking isip....
lumabas na ako sa mundo ng mala-matrix... nagkakainformation overload na aking utak....
simple din lang ang aking sagot sa kanya.... "you gave me an idea of what to write about the next time i write something on my blog.."
walang kaabog-abog na sumagot na... "glad to be of help..."
ayaw ko nang pahabain ang usapan dahil tinamad na naman ako... umupo ako sa kama... hinagilap ang aking unan... kinuha ang bolpen at papel... sinulat ko ang tulang pinamagatang "GOBILGAT"... (sa susunod ko na lang isusulat iyon... as usual, sinusumpong na ako ng aking katamaran...)
------------------
NOTE:
nakakatuwang isipin na sa higit isang buwan matapos kong isulat ang "tigang na libro.." ay patuloy pa rin ang pagdagsa na mga komento ukol dito...
sa mga nag-aabang ng kung ano ang nangyari... well, they did their thing but complains are still being ventillated about not having enough...
ako man ay nabibilib sa tapang at lakas ng loob nitong si ating MYSTERIOUS GIRL...
sa ngayon... hanggang dito na lang (muna) ang aking pagkwento ukol sa buhay niya... sa mga susunod na entry, hindi ko muna babanggitin ang kanyang kwento dahil ang ganang akin eh may mas maraming kwento ng buhay ko o kwento ng buhay ng mga malapit sa akin ang mas karapat-dapat na maing paksa ng aking pagbloblog....
ngayon ko napatunayan na sa buhay ng tao, mas marami pa rin ang id dominated o ang sinasabi nilang pleasure driven...