May 28th, 2008

lakad lakad lang

galing ako sa trabaho... palabas nang muli si haring araw subalit tinatakpan siya ng makapal ng ulap... gayunpaman, ang dilim ng gabi ay napapalitan na ng liwanag...

pagdating sa aking tinutuluyang apartment, nakaramdam ako ng pangungulila, pag-iisa, lungkot at kung anu-ano pa... hindi ko malaman kung saan ito nagmumula... ayokong alamin...

nagdesisyon akong maglakad-lakad... wala namang patutunguhan pero animo'y may sariling pag-iisip ang aking mga paa... naikot ko na ang aming kanto, ang sumunod na kanto at yung susunod pang kanto at yung sumunod pa roon... siguro pinapagod ko lang sarili ko para makatulog na pag-uwi... pero pag ganito pala kaaga, medyo sariwa pa ang hangin... buti na lang umulan kagabi... malamig.. masarap maglakad...

sa susunod kong lakad, saan kaya ako mapapadpad... sana, malapit ka lang para kahit lakarin ko araw-araw, ayos lang... alam ko kung saan patutungo...

Posted by raging_ritch at 06:12 AM | 7 talked back
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on June 3rd, 2008 at 08:39 PM
ipagpatuloy mo lang ang paglalakad, malay mo isang araw mapadpad ka na sa nais mong patunguhan.
Comment posted on June 7th, 2008 at 05:54 PM
darating din tayo jan...
Comment posted on May 28th, 2008 at 07:36 AM
Masarap mapag-isa minsan, at maglakad sa lugar na sariwa ang hangin, mas nakakaisip ka nang mabuti kapag ganoon.
Comment posted on June 7th, 2008 at 05:54 PM
yup yup couldnt agree more...
Comment posted on May 28th, 2008 at 06:17 AM
masarap maglakad na hindi alam ang patutunguhan.
Comment posted on June 7th, 2008 at 05:53 PM
oo naman... breather ika nga nila...
Comment posted on June 8th, 2008 at 12:05 AM
:)