July 26th, 2008

magtagalog kaya sila sa MISS U at sa SONA???!!!

eto na naman tayo sa usapin ng SONA at ng pananagalog...

para san nga ba naman ang SONA? hindi ba't para ito sa pagrereport mo na kung anumang kabutihan ang ginawa mo sa nagdaang taon, kung meron man.. hindi ba't sinabing STATE OF THE NATION o sa tagalog kalagayan ng ating bayan kaya naman sa taong bayan ka makikipagusap hindi ba?? eh bakit hindi ka magtagalog para mas naiintindihan ka ng mga tao... nasa pilipinas ka, sa kapwa mo pilipino ka makikipag-usap, ba't di ka magtagalog...

kung ang rason mo eh yung mga diplomats kaya ka nag-iingles, eh hayaan mo silang mamoblema kasi sa bayan ka nagrereport hindi sa kanila... pwede ka namang isubtitle ng mga reporter na banyaga eh... ano ba mas gusto mo maintindihan ka ng bayan o ng mga dayuhan.... mamili ka...

ayan nasa pagtatagalog na rin lang tayo, meron pelikula sa cinemalaya na ang titulo ay "my fake american accent" hindi ko pa alam kung ano ang kwento dahil di ko pa ito napapanood... pero, sa naglipanang call centers ngayon, hindi na ako magtataka kung maraming  "may accent"... pati pananagalog nilagyan ng accent... pwe...

ah... siguro kaya pati sa miss universe, miss world at kung ano ano pa, walang nanalong pilipina kasi pilit silang nag-eenglish kahit hirap na silang iexpress ang kanilang sarili... pwede namang magdala ng interpreter sa ganitong mga patimpalak.. bakit ang mga latin countries hindi sila nahihiyang magdala ng interpreter... kasi sa wika nila sila mas nakakapag-express... kaya naman kahit na ang buong mundo ay hindi sila maintindihan, wika pa din nila ginagamit nila pero kung tutuusin, halos taon taon din naman silang nasa top 10, 15, 20... hindi kulelat...

ayan si miss san miguel, magdala na lang siya ng interpreter para baka manalo pa siya.. siya kaunaunahang binibini na nagdala ng interpreter... at nanalo... malay natin...

oo english speaking nation tayo, kaya natin magdala ng english conversation pero, ang vocabulary ba natin eh kasing lawak ng mga bansang ang mother tongue eh english???

ang ganang akin lang, mag-english ka basta naiintindihan ka at di ka nagmumukhang tanga... mag-english ka basta kaya mong i-express ang message mo sa tao... mag-english ka bahala ka, pero kung di mo kayang panindigan, magtagalog ka na lang... hindi naman masama ang magtagalog... sa tagalog o ilocano o cebuano o chavacano, kung saan ka mas maiintindihan, dun ka... kesa magmukha kang ewan at katawa-tawa...

Currently listening to: one trill hill season 5 soundtrack
Currently reading: nclex exam cram
Currently watching: kyle xy season 4
Currently feeling: nationalistic
Posted by raging_ritch at 04:27 PM as a favorite post | think out loud!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website: